02/03/2023
😇
Hi Ka MP! Para maiwasan po natin ma-burn out sa ministry ay lagi po tayong magpasalamat sa Dios sa opportunity makapag-lingkod sa kanyang kaharian. Magpasalamat po tayo sa talents at skill na pinagkaloob sa atin ng ating Dios Ama. kapag ganyan po ang puso natin ay tiyak na tatagal ka sa ministry. Kapag tumigil tayo sa pagpapasalamat ay mapupuno ang puso natin ng reklamo na kadalasan ay dahilan kung bakit yung iba ay umalis na sa ministry. Napakabuti po ng ating Dios at isang malaking bagay na tayo ay magamit sa pagpapalaganap ng kanyang pag-ibig para sa lahat! Wagi ang biyaya! - JECK CADELIÑA