24/01/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ - ๐๐๐ง๐ฎ๐๐ซ๐ฒ ๐๐,๐๐๐๐
Thankyousomuch for trusting Host Rona!
๐๐ซ๐ฌ. ๐๐๐ง๐ง๐ข๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ซ๐๐ณ ๐๐๐ญ๐ก ๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก๐๐๐ฒ ๐๐๐ซ๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
๐๐๐ข๐ซ๐ฅ๐ฅ๐ฌ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฏ๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐๐ฅ๐๐๐, ๐๐๐ญ๐ฌ. ๐๐ข๐ญ๐ฒ
๐ง๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐บ๐ป๐๐๐ ๐พ๐บ๐๐๐๐๐๏ผ ๐๐โ๐ ๐บ๐ป๐๐๐ ๐ฟ๐๐
๐ฟ๐๐
๐
๐๐๐ ๐๐พ๐๐๐
๐พโ๐ ๐ฝ๐๐พ๐บ๐๐ ๐๐ฟ ๐๐บ๐๐๐๐ ๐๐๐พ๐๐ ๐๐๐พ๐ผ๐๐บ๐
๐ฝ๐บ๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐๐ฟ๐๐
.
ito ang unang event ko sa taon na ito, at masasabi kong napakagandang bungad nito sa akin. Matagal ng nakapag inquire sakin si client, mula sa pag aayos ng flow ng event ay nagkaisa kami gayundin sa mga changes at request nila.
hanggang sa dumating na ang takdang oras ng selebrasyon, dalawang sorpresa ang inihanda para sa napaka special na babae at kaniyang pamilya. Una ay ang mismong event o paghahanda na walang kamalay malay ang celebrant na may inihanda para sa kaniya. Pagpasok pa lang niya sa venue ay tuluyan ng bumuhos ang kaniyang mga luha. Hindi na nga siya nakapagsalita dahil sa labis na tuwang kaniyang nararamdaman.
bilang isang host, dahil nga may sorpresa pa na isa ay ginawan ko ito ng twist. Para po sa kaaalaman ng lahat, ang dalawang anak ng celebrant ay nasa ibang bansa. Hindi alam ni celebrant na makakauwi yung anak niyang bunso sa babae. Nagpahanda ako ng isang video greetings mula sa kanila ng sa gayun ay walang pagdududa yung celebrant.
Sa pagpasok ng kaniyang anak, bumuhos na ang luha ng karamihan. Ang mga balahibo ko ay tumayo dahil ang puso ko ay labis din na natutuwa. Saksi ang Virlls Tambayan and Events Place People kung paanong naubos ang napaka-kapal na tissue ng dahil sa iyak ng madla na ang dahilan naman ay saya. Isa ito sa napakagandang event na naisabuhay ko, napaka bait ng pamilya nila.
Maraming salamat po sa tiwala ninyo sa akin, sa mga nagpapicture sana naman po ay maisend niyo sakin kahit di ko kayo kilala isa isa haha. Salamat po sa regalo na pamango, chocolate, cash, and euro cash hihi super appreciated. Yung mga yakap niyo po sakin at todo pasasalamat ay nakakagaan sa puso. Bilang isang host, nakakapagod man ang pabalik balik mula Manila to Batangas ay hindi iyon hadlang dahil masaya ako sa ginagawa ko. Masaya ako napapasaya ko po kayo!๐ฅบโค๏ธ
for inquiries, kindly send a direct message
to my social media accounts;
fb: Rona Roz
ig: missronarozqt
fb page: Host Rona Roz