19/07/2025
Already past 9 na nung dumaan ako sa kanto pauwi, na-delay kasi ako sa office dahil may shoot for our model. Maaga naman natapos ang shoot, around 8 okay na lahat, pero ang matagal ay yung food for them—yung supposed to be 20 minutes lang, naging halos isang oras ang hintay.
Supposedly, before 9 nasa daan na ako or nakauwi na. Pero kanina, pagdaan ko, ang daming tao at sobrang traffic—may aksidente pala, truck at motor, mismo sa dinadaanan ko lagi. Natulala na lang ako…
Minsan yung mga delay na akala natin hassle at nakakainis, may mas malalim pala na reason. Parang ginagabayan ka ng angels mo, keeping you away from harm. Kaya pala minsan pinapabagal tayo ng panahon—may purpose talaga si Lord sa lahat. 🙏