21/08/2026
FACT CHECK: MYTH! 🎀
“Kapag walang bukol, walang breast cancer.”
❌ MYTH.
Hindi lahat ng breast cancer ay nagsisimula bilang isang bukol na madaling makapa. May ilang breast cancers na maaaring magpakita muna ng ibang pagbabago sa breast o ni**le, tulad ng:
• Pagbabago sa hugis o laki ng breast
• Pagbabago sa balat—pamumula, pagkapal, o parang orange peel
• Pagbabago sa ni**le, gaya ng pagpasok nito
• Hindi pangkaraniwang discharge mula sa ni**le
• Pagbabago sa itsura o pakiramdam ng isang bahagi ng breast
• Pamamaga o pagbabago sa ilalim ng braso
💗 Kaya breast awareness—not just breast lumps—is important.
Hindi ibig sabihin na kapag mayroon kang ganitong pagbabago ay cancer na agad. Maraming kondisyon ang maaaring maging sanhi nito. Pero kung may bagong pagbabago na hindi normal para sa iyo o hindi nawawala, mas mabuting magpatingin kaysa balewalain.
🎀 Your breasts don’t have to have a lump for you to pay attention.
SAVE this post.
SHARE it with a woman you love.
Baka ang simpleng kaalamang ito ang maging dahilan para may isang babaeng magpatingin nang mas maaga.