19/02/2025
15-ANYOS NA DALAGITA MULA CAMARINES NORTE, NAGDA-DIALYSIS NA MATAPOS MASIRA ANG KIDNEY DAHIL DIUMANO SA LABIS NA PAGKAIN NG PROCESSED FOOD AT SOBRA-SOBRANG PAG-INOM NG SOFTDRINKS?!
“Malakas na talaga akong kumain noon pa man.
‘Pag nasa school ako, ‘yung mga kinakain ko ‘yung mga junk food, mga hotdog pati de lata po.
Hindi po ako mahilig magtubig.
Iba ang lasa ng tubig, parang hindi fresh.
Aktibo naman po ako. Mabilis akong tumakbo at hindi hinihingal kapag naglalaro.
Hanggang sa nilagnat at inubo ako.
Namayat at nanghina rin ako.
Dati, mabilis akong lumakad.
Ngayon, madali na akong hingalin.
Hindi na ako nakakabuhat ng mabibigat
Nu’ng nakapagpa-check up na po ako, nalaman ko na may CKD o chronic kidney stage na ako. Stage 5.
Nu’ng sinabihan ako na kailangan akong i-dialysis, umiyak ako.
Masakit po kasi.
Pakiramdam ko nawala ‘yung pagkabata ko.
Wala po kasing pera ang pamilya ko para sa pampa-dialysis.
Pero, kailangan kong lumaban.”
-Vanessa, 15-anyos na may chronic kidney disease
"Madalas po talaga siyang kumain ng instant noodles at uminom ng softdrinks.
'Yun talaga madalas niyang kinakain sa labas ng school.
Kasi maraming nabibiling ganoon.
Marami rin pong nakakakita na lagi siyang may softdrinks.
Masakit po bilang magulang na kailangan nang i-dialysis ‘yung anak ko.
Ang bata pa po niya!
Sana humaba pa ang buhay niya.
Nandito lang naman kami nakasuporta sa kanya.
Mahal na mahal namin siya."
-Gemalyn, nanay ni Vanessa
BAKIT NGA BA ANG MGA KASO NG MAY SAKIT SA KIDNEY O BATO SA PILIPINAS, PARAMI NANG PARAMI AT PABATA NANG PABATA? IMBESTIGAHAN NATIN ‘YAN NGAYONG LINGGO SA