10/08/2025
Ikalawang Palit ng Gayak para sa Nobenaryo ng ating Mahal na Patrong San Roque.
______________
PANALANGIN KAY SAN ROQUE
Hango sa Takdang Panalangin sa Pagsisiyam
Maluwalhating lingkod ni Hesukristo,
San Roqueng kagalang-galang,
mahal na kaloob ng langit sa lupa,
at tunay na salamin ng mga sumusunod sa ating Panginoon, kami'y nananalangin sa iyo at taimtim na dumudulog sa iyong banal na pagkupkop.
Masdan mo kami, San Roque, na nananalig sa kawikaan na sinumang tumawag sa mahal mong ngalan, ay maliligtas sa sakit at salot. Dalangin namin ay iyong ilapit sa ating Panginoong
Hesus, upang kami ay maiadya sa lahat ng sakit na nakahahawa. Kaya nga, sa bisa ng pamimintuho sa iyo, ay nananalig ang maraming lungsod at bayang dinatnan ng salot, at doo'y
pinasalamatan at ipinagbunyi ka. Huwag mo kaming pabayaan, mahal na pintakasi. Tulungan mo kaming manalangin sa Diyos upang kami'y kaawaan at iligtas sa mga sakit ng katawan at kaluluwa at nang kami'y manatili sa daan ng
kabanalan. Nawa'y makamtan namin ang grasya na hinihiling namin sa tulong ng iyong
pagdalangin.
Tahimik na sambitin ang iyong petisyon
Gayon din naman, isinasamo namin sa
panalanging ito, ang mga kahilingan ng lahat ng aming mga kababayang maysakit at nananalig sa tulong mo. Iadya mo kami, iligtas sa salot at
akayin sa daang ipagkakamit ng kaluwalhatian sa langit.
Amen.
08.10.2025