22/12/2023
December 23 is the last day po ng CHRISTMAS BAZAAR SA ADDAS 4 event. 😊🥳❤️
Nagstart po to announce and have merchants on the 2nd week of December, pero napaka thankful namin na hindi man po napuno ang mga booth spaces ay marami kaming nakilalang small business owners at nawa po ay nakatulong kami kahit papaano. May mga iilan na hindi naisama ang pangalan ng business sa mga posters sapagkat wala pong pangalan pa dahil mga home and personal businesses po. 🥰
Mananatili po ang page na ito at magiging daan para sa mga merchants na patuloy na makilala pa ang mga negosyo ng mga kapitbahay, kabarangay, at hanggang saan man po aabot ang aming page. 😊
Sa huling araw ng bazaar, nawa po ay suportahan po nating lahat ang mga small business owners. Inaanyayahan ko po kayong sa huling araw po ay bumisita sa bazaar at malaking bagay po ang inyong magsuporta.🙏🏼
Maraming maraming salamat po sa mga kaibigan, kakilala, kapitbahay, kabarangay, karatig-barangay, at mga kapwa Bacooreno na dumayo sa bazaar. May mga taga Niog, Imus, at Molino pang dumayo.🙏🏼🙏🏼🙏🏼🥰🥰🥰
Bukod dito, maraming salamat po sa ilang mga BSHM students ng CvSU Bacoor na mga taga Las Pinas pa na tumulonhg sa una at pangalawang araw ng bazaar. ❤️❤️❤️
Sa mga BOD ng Addas 4 Village HOA, malaking pasasalamat po at malaking bagay na nabigyan ng opportunity ang mga kabarangay natin na makilala ang negosyo, maging magkakakilala pa lalo, at sa pakikipagtulungan na maisakatuparan ang munti at mabilis na bazaar na ito. Nawa po ay hindi kayo magsawang magbigay pa ng ganitong opportunity sa mga darating pang panahon. ❤️❤️❤️❤️❤️🥳🥂🍾
Sa mga merchants mula umpisa hanggang dulo, na sumuporta at nakipagsapalaran para sa ikakaunlad ng ating mga munting negosyo, sa maikling panahon, maraming maraming salamat po. Dalangin po namin na lumago ang inyong business. Nawa po ay magkita kita po tayo sa huling araw ng bazaar at magbigay suporta sa isa’t-isa. 🥰🥰🥰
Kita kits! 😊
Merry Christmas and Happy New Year!