
14/04/2025
Sana sa mga future Bride and Groom wag nyo po sana pabayaan ang mga tao na magtatrabaho sa likod ng successful na kasal nyo, sobrang init sobrang bilad sa arawan. Ang mga suppliers nyo gagawin ang lahat maging successful lang ang event nyo sana kahit tubig paglaanan nyo sila or anything na pantawid gutom. I hope gets nyo kami
About CREW MEALS...
We(coordinators) make arrangements and manage the crew meals so your wedding suppliers will have food to eat. Usually breakfast, lunch, and dinner yan, especially sa mga suppliers na umaga palang nandun na like your Coordinators, Hair and Makeup team, Photo and Video. Ung the rest like Host and Band pwedeng snack and dinner lang sila kasi before Reception naman na sila dadating.
What we do is we give you the headcount ng suppliers na kakain ng breakfast, lunch, snacks, and dinner. And we give you the budget per head (kasi ung ibang suppliers may specific budget for food. Like minimum Php200 kunwari). Then kami na bahala sa food ng lahat ng suppliers para di niyo na isipin.
May ibang clients kasi na gusto talaga makatipid, and okay lang un, kaya sila na daw mismo ang mag luto and prepare ng food. Okay lang un! Lutong bahay is always the best. Sawa na din po kami sa mga Mcdo and Jollibee sa totoo lang haha pero wala naman kami choice haha! Pero make sure po na dadating po on time ang food. Kung 8am po dapat pinapakain na ang mga suppliers, dapat po before 8am nanjan na po ang food. Kasi mabilisan po ang pangyayari during morning preps. Wala po kaming time maghintay sa pagkain na "on the way" palang. Lalo na kung kanina pa siyang "on the way". May na experience kami na hindi kami naka kain ng breakfast dahil late dumating ung food, dahil late ang may dala. So gutom kaming nag trabaho and nag Ceremony. :(
Also, for dinner po, sana may SURE FOOD ang suppliers. Wag po ung "kain nalang kayo sa buffet after ng mga bisita". Syempre di naman kami makikipila sa buffet kasabay ng guests niyo. And hindi naman kami makikipag unahan sa bisita. Kakain kami when the program is done. Paano po pag walang natira?
Okay lang po ioffer ang buffet sa suppliers, but make sure you have enough. If you booked a catering good for 100pax, tapos more than 100pax ang guests niyo, for sure walang matitira for the suppliers. You can always ask your catering for CREW MEALS. Plated meals na po yan, complete with ulam and rice and drink, and nakatabi na po yan for your suppliers, and mura lang po yan. Not even as much as your per head. In that way, hindi mababawasan ung para sa guests, and sure na may food si supplier.
Ung suppliers niyo po ay umaga palang nag wwork na. And buong araw sila nag wwork on the day of your wedding. Sana pakainin po natin sila. I don't think there's nothing wrong with providing decent food to people who worked on your wedding. ;)