18/05/2025
Apply ni Juan – Day 3
Day 3 na ng pag-aapply ni Juan. Kahapon, tinanggihan siya kasi late. Ngayon, maaga na siya. Ready na lahat—resume, polo, at ngiti.
Juan: (sa sarili)
"Today is the day! Hindi na ako papayag na matanggihan ulit. Diyos ko, ikaw na po ang bahala."
Pagpasok niya sa opisina, may receptionist na agad.
Receptionist:
“Good morning, Sir! Anong maitutulong ko?”
Juan:
“Good morning po! Mag-aapply po sana ako. May dala po akong resume.”
Receptionist: (nakangiti)
“Wow! Ang aga mo ngayon ha. Okay, paki-fill out lang muna ang form na ito.”
Habang nagfi-fill out si Juan, narinig niya ang ibang aplikante na may dalang laptop, tablet, at printed portfolio.
Juan: (bulong)
"Ay grabe, parang online seller ang dala! Ako papel lang, parang papel de liha!"
Pagkatapos, tinawag na siya sa interview.
HR:
“So, Juan, tell me something about yourself.”
Juan:
“Uh… Ako po si Juan. Determined. Focused. Hardworking. At... Marunong pong magtimpla ng 3-in-1 kahit walang kutsara!”
HR: (natawa)
“Okay ah. Sanay sa resourcefulness. Paano ka sa teamwork?”
Juan:
“Team player po ako. Kahit walang kalaro, naglalaro pa rin ako ng basketball mag-isa!”
HR: (tumango)
“Hmmm. Okay. We'll call you.”
Juan: (kinabahan)
"Yung call po ba ay promise o paasa lang?"
HR: (umiti)
“Depende. May signal ka ba sa bundok?”
---
Moral of the Story:
Hindi importante kung ilang araw ka nang nag-aapply. Basta’t may tiwala ka sa sarili mo at kay Lord… at marunong kang magtimpla ng 3-in-1, laban lang!