18/01/2026
Glenn & Jonna Wedding
Jan. 17, 2026
Sa Pagpala ng mga Magulang”
Bago naging Glenn at Jonna, may tahanang humubog sa puso,
May mga magulang na nag-aruga, nagtiis, at nagtiwala nang buo.
Sa bawat pangarap na kanilang tinahak na magkasabay,
May kamay ng magulang na unang nagbigay-daan sa landas na tunay.
Sa aral ng ama at lambing ng ina nag-ugat ang pag-ibig,
Paggalang, sipag, at pananampalatayang hindi matitinag ng paligid.
Ang pagmamahal na ngayo’y ipinangakong walang hanggan,
Ay bunga ng sakripisyo at dasal na tahimik ngunit wagas.
Kaya sa araw na ito ng pagsasama at pangako,
Kasama ang basbas ng magulang sa bawat hakbang pasulong ninyo.
Glenn at Jonna, sa inyong bagong yugto ng buhay,
Nawa’y dalhin ninyo ang aral ng tahanan—pagmamahal na hindi napapantay.
Event by Miss Jacq : JAMAR Events Management
Venue: Venue Victoria, Antipolo
Photo & Video: JAMAR Studio