
26/04/2025
Dear Bagong Bands/ Sige pati yung ibang luma nadin,
Promote nyo maayos mga gig nyo. I-share ninyo mga poster sa reels, stories, feed, groups, at kung saan pa puwedeng ipromote. I-promote nyo din ang production at ang bar. Magpakilala o makipagkwentuhan kayo sa prod, sa mga crew ng bar, at sa ibang banda.
Kumuha kayo ng litrato kasama ang prod, sa venue, o habang tumutugtog kayo magpakuha ng video o litrato. Mag-imbita rin kayo ng guests ninyo para masupportahan ang bar at ang prod. Bumili ng beer o pagkain bilang suporta sa bar.
Unti-unting titirik ang makina ng eksenang ginagalawan natin kapag may mga parteng hindi gumagalaw.
Budburan nyo rin nang maayos na pakikisama ang galing nyo sa pagtugtog.
tulungan tulungan.
Yun lamang po! Maraming Salamat! 👁️☕️💀🐀🦇