24/07/2026
Bago ang Masterpiece ARC events, nagsimula ang lahat sa Masterpiece Events Coordinator noong 2025โisang organisasyong itinayo upang magbigay ng maayos, propesyonal, at dekalidad na event coordination services. Sa bawat event na aming hinawakan, unti-unti naming natutunan ang kahalagahan ng maayos na sistema, malinaw na tungkulin, at pagtutulungan ng bawat miyembro ng team.
Kalaunan, nagkaroon ng pagkakataon na lumapit si Rachail Hufana upang makipagtulungan at maging bahagi ng pagpapalago ng organisasyon. Mula sa kolaborasyong ito ay nabuo ang Masterpiece ARC Events noong Abril 2026, kasama si Ms. Alma, bilang panibagong yugto ng organisasyon na may mas malinaw na direksyon at mas organisadong sistema.
Sa bawat event, ang bawat miyembro ng team ay may kanya-kanyang tungkulin at responsibilidad. Ang tagumpay ng bawat proyekto ay bunga ng sama-samang dedikasyon, tiwala, at pagtutulungan ng buong organisasyon.
Bilang paggalang sa lahat ng naging bahagi ng aming paglalakbay, hindi na namin tatalakayin ang mga internal na usapin. Gayunpaman, para sa kapakanan ng kalinawan, nais naming ipabatid na ang mga naging pagbabago sa pamunuan ay hindi bunga ng sapilitang pagtanggal. Si Rachail Hufana mismo ang ilang ulit na nagpahayag ng kanyang hangaring umalis sa organisasyon at kalaunan ay pormal na nag-step down sa kanyang posisyon. Bilang organisasyon, iginalang namin ang kanyang mga desisyon at patuloy kaming nag-adjust upang mapanatiling maayos ang bawat event at operasyon, sa halip na palakihin ang anumang hindi pagkakaunawaan.
Hanggang ngayon, nananatili ang aming paninindigan na unahin ang propesyonalismo, respeto, at ang kapakanan ng aming mga kliyente, partners, at buong team.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at tiwala. Ang aming pokus ay ang patuloy na pagpapalago ng Masterpiece ARC Events at ang paghahatid ng dekalidad na serbisyo sa bawat event na aming pinangangasiwaan.
Nais din naming bigyang-diin na ang ginagawa namin ay hindi isang laro o pansamantalang gawain. Ang bawat event na aming isinasagawa ay bunga ng maingat na pagpaplano, pagtutulungan, at dedikasyon ng buong team. Layunin naming maibahagi ang magandang adhikain ng aming grupo sa pamamagitan ng mga proyektong nagbibigay ng positibong karanasan, inspirasyon, at tunay na halaga sa aming komunidad.
MARAMING SALAMAT POโค๏ธ