12/06/2026
Mahal kong bayan, Pilipinas,
kahit kami’y nasa ibayong lugar,
ikaw pa rin ang nasa aming puso’t isipan.
Kami’y naririto upang magsikap,
upang mabigyan ng magandang kinabukasan
ang aming mga minamahal na pamilya.
Ngunit sa mga nagaganap ngayon sa iyo,
aming bayan, kami ay nasasaktan.
Ang aming puso’y tila nagdurugo
sa mga pangyayaring hindi kanais-nais
para sa bawat Pilipino.
Dalangin namin sa Poong Maykapal
na ikaw ay Kanyang paghilumin,
at hipuin ang puso ng bawat pinuno
na gumagawa ng hindi makatarungan sa iyo.
Sa kabila ng lahat ng ito,
nais pa rin naming ipadama
ang aming pagmamahal at malasakit.
Kaya kami ay magdiriwang
ng iyong ika-128 taong kalayaan,
na may panalangin na balang araw
ikaw ay tunay na lumaya—
mula sa mga gahaman, sa mga trapo,
at sa mga buwaya ng ating lipunan.
Nawa’y mangyari ang mabuting plano
ng ating Poong Maykapal,
na ikaw ay maayos, mapabuti,
at ang bawat Pilipino ay umasenso.
Mahal ka namin, Pilipinas.
Ipaglalaban ka namin, Pilipinas.
Uuwi at uuwi pa rin kami sa iyo.
Mabuhay ang Pilipinas.
God bless the Philippines.