01/08/2025
FIESTANG APARISYON 2025
IKA-807 TAONG ANIBERSARYO NG APARISYON AT PAGBIBIGAY NG ESKAPULARYO NG MAHAL NA INA, NUESTRA SEΓORA DE LA MERCED
Tema: "Walong Daan at Pito: Sa pamamagitan ni Maria patungo kay Kristo"
ARAW NG KAPISTAHAN | Agosto 02 - Sabado
Motorcade - 5:30 N.U.
Ruta: Parokya - Sitio 1 - Pulong Palazan - Sitio 5 - Dulong Ilog - Dam - Laot - Sitio 4 - Bahay Pare High School - Sitio 2 - Paligui Dulo - Bangkal - Bucana - Sitio 3 - Dam - Vizal Sto. NiΓ±o - Vizal Sto. Cristo - Pulong Gubat - Vizal San Pablo - Pangclara - Vizal San Pablo - Sitio 3 - Parokya
Banal na Oras at Pagdarasal ng Camandula - 3:30 N.H.
Pagbabasbas ng Bagong Opisina at mga Palikuran ng Parokya - 4:30 N.H.
Misa Concelebrada - 5:30 N.H.
(Punong Tagapagdiwang: Lub. Kgg. Florentino G. Lavarias, D.D., Arsobispo ng Arkidiyosesis ng San Fernando - Pampanga)
**Pagkatapos ng Banal na Misa ay ang MERCEDARIAN PROCESSION at pagbubukas ng CRUZADA DE LA MERCED 2025.
Ruta: Parokya - Bisita ng Brgy. Pulong Palazan
Sa natatanging pagdiriwang na ito ng ating ika-23 Fiestang Aparisyon, muli tayong inaanyayahan ng ating Mahal na Ina na makiisa at magpasalamat sa biyayang kaloob ng kanyang makainang paglingap at pagmamahal, sa loob ng walong daan at pitong taon ng awa na patuloy na ipinamamalas sa atin ng Mahal na Birheng Maria bilang ang Ina ng Awa sa pamamagitan ng Kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesukristo.
Muli ay sama-sama na nating markahan ang ating mga kalendaryo sa isa na namang natatangi at makulay na kabanata ng ating pagdedebosyon at pamimintuho sa ating Mahal na Ina, Nuestra SeΓ±ora de la Merced, ang itinatanging Emperatriz na Marilag sa Katagalugan ng Pampanga.
Viva Nuestra, Viva Apung de la Merced!