Aihna

Aihna I’m your TNT School Showdown Finalist | TNT All Star Grand Resbak 2025 Grand Finalist | Bicolana.

For inquiries, feel free to send a message here or contact us at 0951-052-4714.

National Women’s Month Celebration💜After weeks of not being able to sing for many reasons, I’m finally back on stage. Si...
07/03/2026

National Women’s Month Celebration💜

After weeks of not being able to sing for many reasons, I’m finally back on stage. Singing in front of our teachers truly brings so much joy to my heart.

Thank you for the invitation, Sir Ian.🫶🏻

Mabuhay ang mga kababaihan!💜



Happy happy birthday sa pinakamagandang babae sa sa buhay ko at sa balat ng lupa— MOTHER EARTH!!🌏💙Sa gabos na nangyari, ...
04/03/2026

Happy happy birthday sa pinakamagandang babae sa sa buhay ko at sa balat ng lupa— MOTHER EARTH!!🌏💙

Sa gabos na nangyari, dae pwede dae i-celebrate ang birthday mo. Gusto ko lang magpasalamat Mama sa gabos na sakripisyo mo batog batit pa kami. Sa pagpadaba ning walang katumbas nan wara hinahagad na kapalit. Buong buhay ko ipagpapasalamat sa Diyos na ikaw ang Mama ko. Pasensya na sa pasaway pero maski matugas ang mga ulo minsan, mother knows best nga talaga hehe

Wini-wish ko na sana, tagan ka pa ni Lord nin damo-damo na birthday nan pirmi ko pinapanalangin Saiya na iharayo kamo ni Papa sa kung ano mang sakit nan kapahamakan. Padabaon ko kamo na duwa!

Happy birthday to my forever number one fan and the most amazing person in the world!🫶🏻

Sa pagpasok ng February, hindi inaasahan ang mga nangyari. Hindi rin naging madali tanggapin, ngunit sakabila ng lahat n...
01/03/2026

Sa pagpasok ng February, hindi inaasahan ang mga nangyari. Hindi rin naging madali tanggapin, ngunit sakabila ng lahat ng iyon, kami ay nagpakatatag at bumangon. Hindi rin namin iyon magagawa kung hindi dahil sa tulong at malasakit ninyong lahat.

DIOS MABALOS TABI SAINDO GABOS!!🫶🏻


Cravings satisfied at Corn Avenue 🌽💛1000000/100!I was literally just looking for water, but this caught my attention bec...
27/02/2026

Cravings satisfied at Corn Avenue 🌽💛

1000000/100!

I was literally just looking for water, but this caught my attention because it looked so tempting. I decided to try it—and wow, I did NOT expect it to be this good! 😭✨

Super creamy, super cheesy, and loaded talaga. Hindi tinipid sa toppings. Legit na Cheesy Overload 🧀🌽 Worth every peso!

You can find them at Ayala Malls, sa may labas ng KFC.



FROM ASHES, WE RISE❤️‍🩹Unti-unti nang nabubuo ang aming tahanan. Kaunti na lang. Maraming salamat po sa lahat ng tumulon...
23/02/2026

FROM ASHES, WE RISE❤️‍🩹

Unti-unti nang nabubuo ang aming tahanan. Kaunti na lang. Maraming salamat po sa lahat ng tumulong—araw-araw namin kayong ipinagpapasalamat.🫶🏻

More Progress Updates Soon.
DIOS MABALOS!



Happy 🫶🏻’s Day!Kahit may kanya-kanya tayong prayoridad at pinagdadaanan sa buhay, hindi ito hadlang para ipadama ang pag...
15/02/2026

Happy 🫶🏻’s Day!

Kahit may kanya-kanya tayong prayoridad at pinagdadaanan sa buhay, hindi ito hadlang para ipadama ang pagmamahal at malasakit sa isa’t isa.

Salamat sa pagsama at patuloy na pagpapadama ng pagmamahal.

You all made my Valentine’s Day extra special.

insert: Kuya Louie❤️



Pang-apat na araw na po ng pagpapatayo muli ng aming bahay.Nais ko pong muling magpasalamat sa lahat ng nagpadala ng tul...
14/02/2026

Pang-apat na araw na po ng pagpapatayo muli ng aming bahay.

Nais ko pong muling magpasalamat sa lahat ng nagpadala ng tulong, nagbigay ng suporta, at nagpakita ng malasakit sa aming pamilya. Kung hindi po dahil sa inyo, hindi po namin masisimulan ang muling pagtatayo ng aming tahanan. Malaki po ang naging bahagi ninyo sa bawat hakbang ng aming pagbangon.

Maraming-maraming salamat po mula sa aming puso.

Let’s continue to spread love and kindness in this world.

Happy Valentine’s Day, everyone! ❤️‍🩹



Bayanihan sa Gitna ng PagsubokLast Sunday | Community ServiceMaraming-maraming salamat po sa AKP Malboro Chapter (Cabid-...
11/02/2026

Bayanihan sa Gitna ng Pagsubok
Last Sunday | Community Service

Maraming-maraming salamat po sa AKP Malboro Chapter (Cabid-an) sa pagtutulungan sa pagtanggal at paglilinis ng mga nasunog na bahagi ng aming bahay. Napakalaking tulong po nito sa aming unti-unting pagbangon.

GOD BLESS PO!❤️‍🩹



Matutuloy ba? May pupunta ba? May manonood kaya? Kakayanin ko ba?Ito ang ilan sa mga tanong na paulit-ulit na umiikot sa...
10/02/2026

Matutuloy ba? May pupunta ba? May manonood kaya? Kakayanin ko ba?

Ito ang ilan sa mga tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko noong gabing iyon. Pilit kong pinipigilan ang luha ko habang isa-isa ko silang nakikitang pumapasok sa café.

Late kaming nagsimula dahil kaunti pa lang kami noon at hinihintay pa ang iba. May mga nagbayad ng tickets na hindi makakapunta because of personal reasons. Meron din nag paalam na hindi makakapunta still, I’m very thankful po sa lahat-lahat.

Nang magsimula ang show, ilang beses kaming nawalan ng kuryente. At hindi ko na anticipate yun. Pero kahit gano’n, tinuloy pa rin namin. Sa loob-loob ko, nahihiya ako sa mga taong pumunta dahil sa nangyari—takot na takot ako pero tinuloy at ginawa ko parin.

Hindi ko alam kung ano ang tamang sabihin, pero sobra-sobra ang pasasalamat ko sa lahat ng tulong, mga dasal, sa pagmamahal, at sa suporta. Pilit kong pinipigilan ang luha ko kasi alam kong kapag bumigay ako, hindi ko na alam kung paano ko agad mababawi ang sarili ko😣

Panginoon, maraming-maraming salamat po. Hinding-hindi moko iniiwan. I love you, Lord!🥺🤍

From Ashes, We Rise – A Benefit Gig💪🏻❤️‍🔥Sa ikabuturan po ng aking puso, ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat n...
09/02/2026

From Ashes, We Rise – A Benefit Gig💪🏻❤️‍🔥

Sa ikabuturan po ng aking puso, ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakilahok at bumili ng tickets. Sobrang laking tulong po nito para sa pagpapatayo ng aming bahay at sa muli naming pagsisimula matapos ang trahedyang aming pinagdaanan.

To Nay Maricris, maraming salamat po sa paggawa ng event na ito. Hindi ko makakalimutan nung sinabi kong hindi ko to kaya mag-isa—agad niyo po akong sinalo, at tinulungan. At agad-agad ginawan ng paraan. Salamat Nay kay dae moko pinabayaan. I’ll see you again soon! Goodluck sa journey mo, Nanay ko! I love you so much!🩷

To Cafe Sigyá, kung hindi po dahil sa inyo, wala po kaming lugar para ganapin ang event. Maraming salamat po sa inyong tulong. Kay Ms. Vianca, Sir Jer, at sa lahat ng staff ng Cafe Sigya—Dios mabalos po! Salamatunon po sa tabang nindo.🤎

To my two Ate’s, INTAC Pioneers—Ate Frances and Ate Khanah, hindi ko po inexpect na makakasama at makikita ko po ulit kayo sa iisang entablado. Maraming salamat po sa tulong, suporta, at pagmamahal. Ramdam na ramdam ko po iyon habang pinapanood ko kayong mag-perform. As always, mesmerized po ako sa mga boses nindo. Forever fan niyo po ako—walang kupas! I love you both!💗

To Papa Leo, na pirming yaon para saluhon ako sa mga arug sadi na sitwasyon—isang tawag lang, yaon ka na. Salamatunon po, Papa Leo. Mula pa sa umpisa, ramdam ko na po ang suporta at pagpadaba mo saakon. Salamatunon pooo!💙

To Bro, Kuya Dan, salamatunon kaayo, bro. Maski may minamati ka, nag-stay ka pa rin para timplahon ang mics at lahat ng kailangan. Sobrang naa-appreciate ko ikaaw. Labyu, bro!🩵

To Nay Quessa, salamatunon po sa pagpadaba at sa pagtitiwala sa kakayahan ko. Batog sa batog po ang paniniwala niyo saakon, at hindi niyo po ako pinabayaan lalo na sa mga oras na kaipuhan ko ki tabang. Mahal na mahal ko po kayo, Nay. Salamat din po sa inyong pinsan at kaibigan na dumalo—salamatunon po!💜

To the Codilla Family, Chun maraming salamat po sa inyong suporta! God bless po saindo gabos!🧡

To Menchie and Ate Patricia, thank you so much for coming! I appreciate you both deeply. Ang gagaling niyo rin umawit—keep on singing! Kita-kits ulit soon!💛

Syempre po, sa lahat ng nagpadala ng dasal, tulong, suporta, at sa lahat ng nagtiwala at nagmamahal saamin—dahil sa inyo, makakapagsimula po ulit kami. Masisimulan na po ang pagpapaayos ng aming bahay at paunti-unti po kaming makakabangon.❤️‍🩹

Hindi ko po alam kung paano ako makakabawi o lubos na maipapadama ang aking pasasalamat bukod sa pagsasabi ng “maraming salamat,” ngunit ang tanging alam kong lang na gawin sa ngayon ay ipagdasal kayo. Lagi ko po kayong isasama sa aking mga dasal. Pagpalain po kayo ng Panginoon!

DIOS MABALOS SAINDO GABOS!🫶🏻

-Aihna



Address

Sorsogon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aihna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share