28/10/2025
Sa ngalan ng San Andres Local Bands, kami ay lubos na nagpapasalamat kina Tito Enloy Osorio, Tita Myra Osorio, Kuya Christian Regalado, Wagdas and Belmonte Troops, at ang Team Payag Troops. Ang inyong walang sawang paggabay, suporta, at pagmamahal sa musika ay nagbigay-inspirasyon sa amin upang mas lalo pang pagbutihin ang aming sining. Hindi lamang po kayo mga tagasuporta, kundi mga tunay na kaibigan at pamilya na nagbibigay-lakas sa aming mga pangarap.
Sa pamamagitan ng Sand and Sounds Music Fest, binigyan ninyo kami ng isang plataporma upang maipakita ang aming talento at maibahagi ang aming musika sa mas malawak na audience. Ang inyong dedikasyon at pagsisikap ay nagdulot ng kagalakan at pagkakaisa sa aming samahan.
Taos puso kaming nagpapasalamat sa inyong kabutihan, pag-unawa, at suporta bilang mag-asawa, kapamilya at barkada. Kayo ay isang huwaran ng pagmamalasakit at pagbibigay!
Maraming salamat po sainyo! Kitakits sa part 3! π«Άπ»π