26/02/2026
Matumal na ba ang bentahan?
Normal lang ‘yan. Especially ngayon na after Valentine’s season. Talagang may “cool down” period after ng peak event. Huwag agad kabahan, huwag agad ma-discourage.
Ganito talaga ang negosyo —
📈 may peak
📉 may pause
🔁 pero tuloy-tuloy ang ikot
Hindi porket tahimik ngayon, ibig sabihin mahina na. Ang totoo? Preparation season ito.
Marami pa tayong paparating na events:
🎓 Graduation
👩👧 Mother’s Day
👨 Father’s Day
👩🏫 Teacher’s Day
🎉 at iba pang school & special events
Sunod-sunod na ‘yan. Hindi pa tapos ang laban.
So habang medyo calm ang orders, gamitin natin ito as production season.
Gawa lang tayo nang gawa. Mag-stock tayo. Mag-experiment ng designs. Mag-improve ng balot. Maghanap ng mas murang supply. Mag-practice para bumilis.
Ang maganda sa handmade bouquets?
🌸 Hindi naman agad nasisira.
🌸 Pwede i-stock.
🌸 Pwede ibenta ulit sa next event.
Habang ang iba nagpapahinga, pwede kang naghahanda.
Reminder lang:
Hindi ka nahuhuli. Hindi ka nalulugi dahil lang sa isang slow week.
Ang tunay na negosyo, marunong maghintay at maghanda.
Keep creating. Keep improving.
Darating ulit ang season na halos hindi ka na makaupo kakabalot.
Laban lang, mga ka-crafter. 💪💐
Next peak season, ready na tayo.