
07/07/2025
TATAK MIKO FIRST SET OF PRIORITY MEASURES PARA SA LOS BAÑOS! 🇵🇭
Ngayong Inaugural Session ng Sangguniang Bayan ng Los Baños, naghain ng mga priority ordinances si Konsehal Miko Pelegrina para sa iba-ibang sektor.
✅ Magna Carta for Micro and Small Business Enterprises in Los Baños para sa proteksyon ng maliliit at nagsisimulang mga na negosyante sa LB
✅ Los Baños Cooperative , Livelihood and Enterprises Development Office Charter para may isang kinatawan sa local government na susuporta sa mga kooperativa at negosyo sa LB.
✅ Ordinance Prohibiting Online Sexual Abuse and Exploitation of Children and Child Sexual Abuse and Exploitation Materials in the Municipality of Los Baños para maiwasan ang abuso sa mga bata sa Los Baños.
✅ Los Baños Official Social Media Platforms Ordinance of 2025 para may sentralisadong sanggunian na ang mga taga-LB pagdating sa impormasyon at hinaing.
✅ Pagtatatag ng LIKHA: The Los Baños Music and Arts Festival upang mas maisabuhay ang talento at kultura ng kabataang Los Baños nang di mapipigilan ng kakulangan sa pondo.
Tuloy-tuloy po ang na Tatak Miko sa Los Baños! Umpisa pa lang po ito 😊