26/05/2026
๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐ ๐ ๐๐๐ ๐ง๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐
๐ฅ๐จ๐ซ๐๐ฌ ๐๐ ๐๐๐ฒ๐จ
MAYO 17
Unang Misteryo sa Tuwa: Ang Pagbati ng Anghel kay Maria
Ang Mabuting Balita ayon kay San Lukas (1:26-38)
Nang ikaanim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lunsod ng Galilea na tinatawag na Nazaret, sa isang birhen naidulog na sa isang lalaki sa lahi ni David, na ang pangalan ay Jose, at ang pangalan ng Birhen ay Maria. Pagpasok niya sa kinaroroonan ng babae ay slnabรญ niya, "Aba, puspos ka ng biyaya; ang Panglnoon ay sumasaiyo." Sa mga pangungusap na ito ay nagulumihanan at pinagdili-dili ang kahulugan ng gayong bati.
Datapuwa't sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa mata ng Diyos. Tingni, maglilihi ka't manganganak ng isang lalaki na tatawagรฌn mong Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa Kanya ng Panginoon Diyos ang luklukan ni David na kanyang ama, at maghahari siya sa sambahayan ni Jaoob magpakailanman, at walang katapusan ang kanyang kaharian.
Winika ni Maria sa anghel, "Paanong mangyayari ito, gayong wala akong nakikilalang lalaki?" Sumagot sa kanya ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan; kaya ang ipanganganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo, ang kamag-anak mong si Elizabeth ay naglihi rin ng isang lalaki sa kanyang katandaan, at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan niya, sapagkat sa Diyos ay walang bagay na di mangyayari. Kaya winika ni Maria, "Narito ang lingkod ng Panginoon: Maganap nawa sa akin ang iyong sinabi." At nilisan siya ng anghel.
PAGNINILAY:
- Ang "Misteryo" sa ating pananampalataya ay ang balak ng Diyos na iligtas ang tao o isang bahagi o tagpo ng balak na ito.
- Ang balak ng Diyos ng pagliligtas ay nagsimulang mataguyod sa tagpo ng unang Misteryo sa Tuwa. Inialok ng Diyos kay Maria ang siya'y maging ina ng isisilang na Manunubos.
- Tayo rin ay may bahagi sa pagpapatuloy ng katuparan ng balak ng Diyos na dulutan ang tao ng makabuluhang buhay. Tulad ni Maria kinakailangan nating makiisa.
- Sa Misa ipinahahayag natin sa ating pagdalo at Ibang gampanin sa pagdiriwang nito ang ating pakikiisa sa kaligtasang sinasagisag at idinudulot ng Misa. Pagkatapos ng Misa ang isinagawa natin ay dapat magka-anyo sa ating araw-araw na buhay.
Ipanalangin mo kami O Santa Mariang Ina ng Diyos,
Nang kamiโy maging dapat makinabang sa mga Pangako ni Hesukristong aming Panginoon.
(Hinihikayat din ang lahat na makiisa sa pagdarasal ng rosaryo, pag-aalay ng bulaklak at magsimba sa inyong bisita o parokya.)
Tampok na Larawan:
Imahen ng Madonna Salus Infirmorum - Coronada mula sa Parokya ng San Isidro Labrador, Bambang, Bulakan, Bulacan
Sanggunian: MSGR. SABINO VENGCO, ED.
MSGR. ANDRES VALERA, FLORES DE MAYO
=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/