13/04/2025
Hello po mga Ma’am & Sir 😊
Couples,
Becoming Husband & Wife,
Soon to be Debutant,
Soon to be Birthday Celebrant
& to all of our fans & followers 🙏
A little reminder & tips lang po from your Host - Rigor 🎤🎶🎙️
May mga nababasa po kasi kaming post regarding sa mga Clients na naghahanap ng Events Host for their Celebration 😊 (para maging lively, memorable at masaya talaga ang magiging Event na iyon) 🎉
Ang nakakalungkot lamang po ay yung mga “finders” na ganito ang mensahe:
1. We’re looking for an events host na lively at magaling, yung hindi uuwi ang mga bisita namin (budget meal lang po sana)
2. Lf host for our intimate wedding (₱2,500 lang po ang budget)
3. Lf host, yung walang (transpo fee sana)
4. Lf Host na energetic (maikli lang ang program like 1-2hrs lamang) budget ₱3,000
Pasensya napo mga minamahal naming Clients at sa magiging clients papo namin 🙏
But we have to raise our concern with regard in this matter 🙏
Muli po ay ang aking paghingi ng pasensya 🙏
Ganito po kasi yan:
1. Kami pong mga Host may kanya kanya kaming base na pinagmumulan at minsan talagang nagiging malapit lang kami sa location ng venue but most of the time, nabyahe din po kami (gaya ang inyong Host Rigor) nagsimula din po ako sa commute: tricycle, jeep, bus, taxi, LRT, MRT at kung kinakailangang makarating ng mabilis ay mga ka-Car pooling kami) gumagastos dn po talaga sa transportation halimbawa: Cavite to Manila? It will cost us more or less ₱500 balikan & if we have a personal service like motorcycle or private vehicle, it will also an expenses from us sa gas & toll (that’s why we are caressing our client for transpo fee) 🙏
2. Kung mapapansin po ninyo mga Maam & Sir, we usually ask for the motif during the meeting.
Yes po, nag aattire din po kami base sa motif and theme ng event kasi kami po ang nasa unahan at titignan ng mga tao at panonoorin for the whole time of the event that’s why we invests sa mga damit na sinusuot po namin kada event 🙏
3. Kumbaga sa Bag
Pag bumili tayo sa Divisoria or Baclaran, it will last 3-5months, kupas na agad or the saddest part ay masisira na. PERO kapag ang nabili mo e LV, Lacoste, MK, Burberry or something like these, sigurado parada ng taon kahit sampung taon pa.
-ganun din po kami bilang mga Events Host. Kapag ang host pure hosting lang pero talaga namang magaling, panalo yan. Lalo na kung singing Host ang makukuha, Jackpot na po yan talaga 🎉
Nilinang at sinanay po namin ang aming sarili.
Inaral po namin ang propesyon na ito na kung sa papaano kagigiliwan kami ng lahat ng tao at mapapasaya namin sila maging sa aming pagkanta at pagtatanghal para po sa INYO MGA MAHAL NAMING CLIENT. Dahil ayaw po namin silang umuwi at gusto po namin maging masaya ang araw na yon para sa ating lahat 🙏 mas ninanais po namin na makasama po ninyo ang inyong mga guest hanggang sa kadulu-duluhan ng programa 🙏
4. Ito po ay para dun sa mga nagpopost po ng (maikli lang ang program, intimate lang po ang celebration, 30pax lang po ang Guests)
Pasintabi po 🙏🙏🙏
- WEDDING (Church, Garden, Beach, Civil) ito po ang apat na uri ng Wedding.
Nagkakaiba iba po ito sa paraan ng (Seremonya ng Pagkakasal) hindi po sa (Reception) ang nagkaiba iba lanh po ay ang (Ceremonya). Hindi po damay dito ang Program na masasaklaw po ng aming trabaho 🙏 mapa Church, Garden, Beach & Civil wedding man po kayo. Kahit pa 30pax lang po ang Guest, ang program po ay mananatiling buo, kumpleto hanggang dulo.
Example: (standard program flow)
Host introduction
Entrance of the entourage | couple
Opening prayer
Wedding traditions (dance, cake, toast)
Lunch | dinner
Games
Performances from the guest or from the host
Speech from the couple
Ito po yan mga Mahal naming Maam & Sir
Ano man pong uri ng Wedding ang balakin po ninyo, sa (Seremonya) lang po magkakaiba pero ang program ay mananatiling ganyan pa rin po 🙏 sa kahit anong uri ng Wedding celebration.
5. Lastly,.
P**iconsider naman po sana kami sa Food 🥺🙏
Maliit na po ang offer fee, may nagrarant papo sa SOCMED kung kailangan pa ba daw kaming pakainin 😭
Maam & Sir 🙏
We're the ones na magbibigay buhay po sa event ninyo.
Kami po ang huling bagsakan ng nga taong pagod at gutom na sa maghapong preparasyon.
Kami po ang bubuhay ng dugo nila at gigising sa natutulog nilang dugo.
Kami po magaalis ng init ng ulo nila dahil sa gutom at init ng panahon.
Kami po ang magiging tatak sa puso at isipan ng lahat bago umuwi.
Kami po ang gagawa ng paraan para wag silang umuwi.
Not the design of your ceremony,
Not your bridal car,
Not your invitation,
Not your SDE,
Not the food or decoration,
But your Hired Events Host po 🥺
Im raising this concern not for myself as an events Host but para doon po sa mga Host na binabarat, kinukuriiutan, walang transpo fee at walang food 😭
P**i consider po sana ang effort at paglalaan namin ng isip at puso para mapasaya po namin ang bawat events na binubook niyo 🙏
Ito po ay P**iusap para sa lahat 🙏🙏🙏
Salamat po 🙏
Sa mga Host na nagsisimula papang sa Career na ito. Keep on fighting and pursuing your dreams po 🎤🎶🎙️