17/03/2025
Tanging dalangin naming mga na huwag nang maulit pang muli at huwag nang bumalik pa sa panahong puro galit at takot ang naghahari. Ilang dekadang kaguluhan at kahirapan ang pinagdaanan ng bawat pamilya dito at hangga’t maaari, hinding-hindi na natin babalikan pa ang mga panahong ito.
March 17, 2000 nung inatake ang bayan ng Kauswagan kung saan libu-libong mga pamilya ang nawalan ng tahanan at maraming buhay ang nawala. Ito ang pinakamalagim na mga araw ng kasaysayan kung asan binalot ng hirap at kasamaan ang buong bayan. Inaalala natin ang mga namatay sa araw na ito ang pinagdadasal ang kanilang katahimikan.
Matapos ang kaguluhan at sa pagsisikap ng mga bagong bayani na nanindigan at taus-pusong nagsilbi sa bayan at mamamayan, naibangon din natin ang ating bayan at muli ay ang ating kapakanan ang naging sentro at prayoridad ng lokal na pamahalaan. Dahan dahan nating itinayo ang sariling mga paa at sama-sama nating ipinaglaban ang ating karapatan— karapatan upang mamuhay ng maayos at marangal, karapatan na mabuhay at manirahan na may kapayapaan sa puso at sa lipunan, at karapatan upang magkaroon ng hanapbuhay at pagkain sa ating hapag-kainan.
Itinaguyod natin ang Kauswagan at tayo’y nagpapasalamat sa ating mga lider na nanindigan para sa bayan. Ang mga lider na nagsakripisyo para sa ating kapakanan na dahil sa kanilang pagsisikap at kontribusyon, naibalik sa normal ang ating buhay at naging progresibo ang buong munisipyo at mga tao. Naitayo natin muli ang ating mga negosyo, naibalik ang mga mag-aaral sa mga eskwelahan, at nagkaroon tayo ng kumpiyansa sa ating mga sarili. Sa ating lider na nagpabago sa lahat at nagpaganda ng ating buhay at anyo ng Kauswagan, daghang salamat.
Higit sa lahat, natuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa. Natuto tayong palakasin ang ating mga barangay sa pamamagitan ng organikong agrikultura. Dahil dito, lumakas tayong muli at dumami ang pagkain para sa bawat pamilya at alam nating hindi na tayo muling magugutom pa. Nagbago ang buhay ng bawat isa at ang mga anak natin ay nagkaroon ng pag-asa at alam nating magiging maayos ang kanilang kinabukasan.
March 17, 2025 — Bakit tila may nagbabantang muli sa ating kalayaan at kapayapaan? Bakit sa mga sandaling ito ay nailagay muli sa alanganin ang lahat ng ating pinaghirapan? Matapos ang mahigit isang dekadang pagsasaayos ng lahat, bakit muling may pagbabanta sa ating araw araw na pamumuhay? Ayaw nating bumalik sa estado ng buhay ng mga nakaraan. Ayaw nating maulit muli ang ating paghihirap.
Sana sa gitna ng kalituhan sa pulitika ngayon, mangingibabaw ang kapakanan ng mamamayan. Sana’y isipin ng bawat isa kung ano at sino ang mas mahalaga— hindi sa ambisyon, hindi ang sariling plano, hindi pansariling interes, kundi ang buhay at kinabukasan ng mga tao.
Magdasal tayo sa Diyos at Allah, Subhanahu wa ta'ala. Magdasal tayo na ang bawat isa ay magpakumbaba. Magdasal tayo na huwag mawala ang tinatamasang kapayapaan ng ating puso at lipunan. Tama na ang kaguluhan at kalituhan.
Sa mga pulitiko, panahon na muli na ang mamamayan ang inyong
pagsilbihan. Ang taumbayan ang boss ninyo. Unahin ninyo kami, huwag yung kung ano na lang ang inyong gusto. Dapat ang mga tao ang nasa sentro ng inyong mga plano.
Let and harmony prevail. Give us back our peace of mind. Give us back our future. Bring every Kauswaganon back to where we should be. Bring Kauswagan back to life.