23/09/2026
𝙂𝙀𝙉𝙏𝙇𝙀 𝙍𝙀𝙈𝙄𝙉𝘿𝙀𝙍 𝙏𝙊 𝘼𝙇𝙇 𝙊𝙐𝙍 𝙑𝘼𝙇𝙐𝙀𝘿 𝘾𝙇𝙄𝙀𝙉𝙏𝙎/𝙍𝙀𝙉𝙏𝙀𝙍𝙎 🚨
Nais po naming ipaalala sa lahat na sana ay maging responsable tayo sa paghawak at pag-iingat ng ating mga rental items.
Paki-ingatan po natin ang mga rental items habang nasa venue ninyo. Maging maingat at maging tapat po agad sa anumang aksidente o pinsala bago pa ibalik sa amin.
Kayo rin po, siguraduhing nasa safe na lugar ang gamit habang may okasyon para iwas-disgrasya! Safety and care first lagi, mga mam/sir!
Nakakapanghinayang at nakakalungkot lang po kapag ibabalik niyo sa amin yung item na may damage tapos ang dahilan ay: "ginamit po kasi ng kaibigan ko"
Kung kayo po ang nakapangalan sa rental agreement, kayo po sana ang mag-supervise. Please huwag niyo po ipagamit o ipahiram sa iba (kahit sa kakilala, kaibigan, o kamag-anak) na hindi naman kasama sa napag-usapan.
Ingatan po natin ang gamit na nire-rent lang. Kung paano niyo natanggap nang maayos, sana po masauli din nang maayos.
Nakakalungkot lang po kasi kung kami mismong owner ay sobrang ingat na ingat, sana po ay ganun din ang pagpapahalaga kapag nasa inyo na ang item.
Kaya po kami may Security Deposit, hindi po ibig sabihin na okay lang masira ang gamit dahil may pambayad-kundi para maging paalala na ingatan ito.
Namuhunan at nag-effort din po kami para makapagbigay ng magandang serbisyo at gamit sa inyo. Sana po ay maging responsable tayo, pati ang mga bisita o gagamit sa venue.
Maraming salamat po! ❤️