Halabira Association

Halabira Association Bringing Filipinos together in Paris, France through unity and mutual support.

03/06/2026

BONJOUR BIRANIANS!

About the Issues of Darna story! Na yumanig sating lahat😆ang daming nag message and calls, from the supporters and believers of HALABIRA Association about what Happen.

Ang Masasabi ko lang...walang big reactions ng ganyan..
kung sila mismo alam nila ilugar ang ginagawa nila.. parang competition kc ang nangyare may Kalalabas palang na first ever Darna in Paris under my hands... then kinabukasan may ilalabas na Darna in Paris.. yes pwede maging Darna ang lahat...but just little act of consideration naman be kind nga sabi..napahalata pa ang totoong intension..
Caption pa na """"I heard Paris has its fair share of villains… no need to worry, Darna has landed to save the day.”"""
Eh halos dagsaan mga posted na photos videos ng Darna ng VivaHalabira at mga iconic heroes after the event 31st of MAY then, followed 1st of June sasabay din sila para sa “birthday shoots” na reasons goal nila is for woman empowerment
Even us nman sa mga Ph iconics heroine na nilabas hindi lang one time show or laro laro lang yung ginawa nila kundi portraying din sila individual missions & goals may symbolo din.😊✨
Logic nalang and common sense.
People can analyze everything..

✨✨Have a great day sa ating lahat✨✨

MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!🫰🏻🇵🇭Photography: TanLex Photo and Film napakahusay na napakabait pa nila. Alexander Bal...
02/06/2026

MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!🫰🏻🇵🇭

Photography: TanLex Photo and Film napakahusay na napakabait pa nila.
Alexander Baliton and TAN JOEY❤️

THE ORIGINAL COSPLAYERS OF VIVAHALABIRA,PHILIPPINES ICONIC SUPER HERO IN PARIS, FRANCE! Gusto nyo ba mapanuod ulit ang k...
01/06/2026

THE ORIGINAL COSPLAYERS OF VIVAHALABIRA,
PHILIPPINES ICONIC SUPER HERO IN PARIS, FRANCE!

Gusto nyo ba mapanuod ulit ang kanilang performance?? ABANGAN!!!😊

- DARNA
- CAPTAIN BARBELL
- VALENTINA
- ZUMA
- SUPER INDAY
- SUPER INGGO

01/06/2026

✨ ASIAN POP CULTURE FESTIVAL 1ST EDITION ✨

Mula sa aming mga puso, kami po sa Halabira Association bilang Cultural Country Leader at Viva Filipinas bilang Country Leader ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at naging bahagi ng kauna-unahang Asian Pop Culture Festival.

Hindi po magiging matagumpay ang event na ito kung hindi dahil sa walang sawang suporta ng ating Filipino community dito sa Paris, France. Kayo ang naging inspirasyon at lakas namin upang maisakatuparan ang isang napakagandang selebrasyon ng kultura, talento, at pagkakaisa.

Higit sa lahat, pinupuri at pinasasalamatan namin ang Panginoong Diyos sa Kanyang gabay, biyaya, at proteksyon sa buong proseso. Sa kabila ng mga pagsubok at hamon na aming pinagdaanan, hindi Niya kami pinabayaan at ginabayan Niya kami hanggang sa matagumpay na pagtatapos ng event na ito.

Isang espesyal na pasasalamat kay Cultural Leader Mhikee at sa kanyang buong team na walang sawang naglaan ng oras, pagod, dedikasyon, at sipag sa pagpa-practice at sa paghahanda ng VivaHalabira Majorettes na nagpakita at nag pasaya sa harap ng ibat ibang lahi. Maraming salamat din sa ating Drag Queen na nagbigay ng makulay at kahanga-hangang pagtatanghal na tunay na nagpabilib sa ating mga bisita.

Lubos din ang aming pasasalamat sa tatlong mahuhusay na kalahok ng Cooking Battle na nagbahagi ng kanilang talento at pagmamahal sa pagluluto. Salamat sa lahat ng Cosplayers na nagbigay-buhay sa ating festival sa pamamagitan ng kanilang kahanga-hangang costumes at performances. Salamat din sa lahat ng Karaoke Contenders na buong tapang na ipinakita ang kanilang husay sa pag-awit.

Maraming salamat sa aming mga Media Partners na tumulong upang maiparating ang aming adbokasiya at event sa mas marami pang tao. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa aming mga Sponsors na nagtiwala at sumuporta sa aming programa. At sa lahat ng mga leaders at organisasyong dumalo upang magbigay ng suporta at pakikiisa, maraming maraming salamat po.

At syempre I salute sa aming photographer and videographer and editor hindi eto masusubaybayan ng lahat kung hindi dahil sa inyo ang among butihing TAN_LEX Alexander Baliton

Ang tagumpay ng HALABIRA AT VIVA FILIPINAS ay tagumpay nating lahat. Ito ay patunay na kapag nagkakaisa ang komunidad, walang imposible.

Hanggang sa muli! Maraming salamat at mabuhay ang Filipino community sa Paris, France! 🇵🇭❤️🇫🇷







Adresse

Paris

Notifications

Soyez le premier à savoir et laissez-nous vous envoyer un courriel lorsque Halabira Association publie des nouvelles et des promotions. Votre adresse e-mail ne sera pas utilisée à d'autres fins, et vous pouvez vous désabonner à tout moment.

Contacter L'entreprise

Envoyer un message à Halabira Association:

Partager